Ang digmaan ay isang seryosong bagay. Hindi natin ito alam
kung kalian magaganap subalit hindi tiyak ang panahon ng pangyayaring ito. Katulad
na lamang ng nagaganap na digmaan sa gitnang silangang asya. Wala akong
kaalam-alam na dito sa aking kontinenteng kinabibilangan ay mayroon na palang
digmaang nagaganap. Ang akala ko noon ay hindi na masusundan ang world war 2,
ngunit mali ako ng akala. Mayroon pa palang digmaan na susunod ditto, Ang digmaan
sa pagitan ng Libya at Israel.
Ayon sa isang balita, lahat ng mga tao doon ay apektado ng
digmaan. Lahat sila ay takot na takot, dahil ang magkabilang grupo ay parehas
na pinahihirapan at pinapatay ang bawat kalaban na kanilang madadakip. Napaka –
rami nang sundalong nasasawi dahil sa digmaan.
Takot din sila dahil ang magkabilang grupo ay parehas na
armado. Ang mga baril, bomba, mga armadong sasakyan ay ang kanilang mga gamit
sa digmaan.
Maging ang
mga kababayan nating mga Pilipino ay apektado nito. Nagmamadali silang umuwi dito
sa bansa upang makaiwas sa digmaan at hindi mapabilang sa mga nasawi. Ang mga
nakaligtas na OFW ay naglahad kung gaano kahirap ang kanilang sinapit sa
digmaang nagaganap doon.
Kaya kung
ako ang tatanungin, hindi maganda ang pagkakaroon ng digmaan dahil hindi lang
naman ang nagdidimaan ang napapahamak, pati na rin ang kanilang kapaligiran o
ang mga bagay na nasa kanilang kapaligiran katulad na lamang sa giyerang ito, napaka
- raming walang kinalaman o mga inosenteng tao na wala naman silang ginagawang
masama o kahit ano pero sila ay nadamay at nasawi.
Hindi ko nga
maintindihan kung bakit nagkakaroon pa ng giyera sa mundo pero tayo – tayo lang
din naman ang pwedeng magtulungan. Hindi ba sila nag iisip man lang na pwede
namang magkaroon ng kapayapaan at pag – kakaisa? Kaya para sa akin, ang
pagkakaisa ang pinaka maganda at pinaka epektibong solusyon para sa kahit ano
mang digmaan.