Linggo, Agosto 17, 2014

         Ang digmaan ay isang seryosong bagay. Hindi natin ito alam kung kalian magaganap subalit hindi tiyak ang panahon ng pangyayaring ito. Katulad na lamang ng nagaganap na digmaan sa gitnang silangang asya. Wala akong kaalam-alam na dito sa aking kontinenteng kinabibilangan ay mayroon na palang digmaang nagaganap. Ang akala ko noon ay hindi na masusundan ang world war 2, ngunit mali ako ng akala. Mayroon pa palang digmaan na susunod ditto, Ang digmaan sa pagitan ng Libya at Israel.


          Ayon sa isang balita, lahat ng mga tao doon ay apektado ng digmaan. Lahat sila ay takot na takot, dahil ang magkabilang grupo ay parehas na pinahihirapan at pinapatay ang bawat kalaban na kanilang madadakip. Napaka – rami nang sundalong nasasawi dahil sa digmaan.


          Takot din sila dahil ang magkabilang grupo ay parehas na armado. Ang mga baril, bomba, mga armadong sasakyan ay ang kanilang mga gamit sa digmaan. 



          Maging ang mga kababayan nating mga Pilipino ay apektado nito. Nagmamadali silang umuwi dito sa bansa upang makaiwas sa digmaan at hindi mapabilang sa mga nasawi. Ang mga nakaligtas na OFW ay naglahad kung gaano kahirap ang kanilang sinapit sa digmaang nagaganap doon.

           Kaya kung ako ang tatanungin, hindi maganda ang pagkakaroon ng digmaan dahil hindi lang naman ang nagdidimaan ang napapahamak, pati na rin ang kanilang kapaligiran o ang mga bagay na nasa kanilang kapaligiran katulad na lamang sa giyerang ito, napaka - raming walang kinalaman o mga inosenteng tao na wala naman silang ginagawang masama o kahit ano pero sila ay nadamay at nasawi.

          Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagkakaroon pa ng giyera sa mundo pero tayo – tayo lang din naman ang pwedeng magtulungan. Hindi ba sila nag iisip man lang na pwede namang magkaroon ng kapayapaan at pag – kakaisa? Kaya para sa akin, ang pagkakaisa ang pinaka maganda at pinaka epektibong solusyon para sa kahit ano mang digmaan.